Thursday, November 06, 2008
"Paalam... Pareng Winston!"
007009004
bawat pumapasok na usok, sa aking katawan,
kakaibang kaligayahan, aking nararamdaman.
tila nababawasan, bigat ng aking kalooban,
tuwing ako'y sinasamahan, sa aking kalungkutan.
bawat hithit ko sa puti mong katawan,
usok mo'y pumapasok, sa aking kaibuturan.
pinipilit malaman, sanhi ng aking pagdaramdam,
puso kong nananangis, pilit mong pinapatahan.
ngunit aking nabatid, pagdamay mo'y di taos,
ngayon ang aking paghinga'y, laging kinakapos.
kalusugan ko'y nasira, pera ko pa ay naubos,
unti-unti mo kong sinabay, sa iyong pagkaupos.
salamat sa pagdamay, s problema ko noon,
di ko malilimutan, mga nagdaang panahon.
ngayo'y sasabihin ko na, "paalam pareng winston",
naaawa na kasi ako, sa naghihingalo kong pulmon!
Subscribe to:
Posts (Atom)